| home | ask me | submit | archive | Themes |
KIMPAO ang tawag sakin mula elementary hanggang highschool ko sa Pinas. Isa lang ako sa mga commoners sa classroom namin. Hindi ako yung type na gusto agad maging kaibigan ng lahat tuwing pasukan. Hindi ako yung kinakikiligan ng mga kababaihan kapag dumadaan sa labas ng room o kaya yung pinaguusapan ng mga babae sa CR o kaya sa canteen. COMMONER LANG AKO. May mga kaibigan din naman ako pero kami yung tipong GO WITH THE FLOW lang. Masaya na ako dun. Marami din natutuwa sakin kasi mejo kengkoy nga ako. Alam ko gets nyo yung pakiramdam ko noon dahil karamihan naman satin commoners lang din. Hindi ako campus heartthrob, dancefloor prince, teacher’s pet o kaya naman smarty pants ng klase. Simple lang ako..
Hindi interesting ang highschool life ko. Bilang lang ang mga taong nakaka-appreciate ng mga bagay na ginagawa ko. Ang barkada at ang family ko lang ang nakaka-appreciate sakin.. pero soon.. my first girlfriend. :) Nahirapan din ako humanap ng girlfriend dahil ako na yata ang pinaka-torpeng lalaki na makikilala nyo. Hirap ako mag-express ng nararamdaman ko dahil pakiramdam ko wala namang may pakialam. 3rd year highschool.. naging kami ng first girlfriend ko. Sabihin na natin na popular siya sa batch kasi sikat ang barkada niya sa batch namin. Marami siyang kaibigan at karamihan dun.. basketball players, cheerdancers at fashion icon ng batch namin. Simula nung naging kami, sabihin na natin na maraming nagbago sakin. Naging mas confident at nag-effort ako para ayusin ang sarili ko.
Mejo nahirapan ako sa pinasok ko. First girlfriend ko sya. Hindi ko pa alam kung paano maging boyfriend sa isang babae. Hindi ko pa alam kung ano ang mga tama at maling moves. Pero hindi ako ang first boyfriend niya kaya alam na niya ang DO’s and DON’Ts sa isang relationship. Nakulangan siya. Hindi daw niya ramdam na nasa relationship siya. December.. Christmas break.. nawalan kami ng connection sa isa’t isa. Pero bigla siyang nag-text. BREAK NA KAMI. First time kong umiyak para sa isang babae.
The next year nakatanggap ako ng napakagandang balita..

TRUE :)


#KimpoyFeliciano #cd #tshirt :)



ganito kaya pag di pa tapos kumopya sa katabi?

NO WORDS CAN SAY HOW MUCH I<3U SO!!!!






